4 November 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 1,600 na pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa banta ng Bagyong Tino

AABOT sa 1,639 families o 6,284 individuals ang nanunuluyan sa iba’t ibang Evacuation Centers sa Eastern Visayas, sa nagpapatuloy na banta ng Bagyong Tino.

Sa Situation Report ng PNP Eastern Visayas, as of 12:51 P.M. kahapon, mayorya ng mga evacuee ay mula sa lalawigan ng Biliran na nasa 1,448 families o 5,289 individuals.

Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Maripipi, Cabucgayan, Kawayan, Culaba, Caibiran, at Provincial Capital na Naval.

Sa Southern Leyte, partikular sa Padre Burgos, 103 families o 347 individuals ang nasa Evacuation Centers, habang sa Eastern Samar ay 88 families na binubuo ng 648 individuals mula sa Guiuan ang inilikas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).