NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit siyam na milyong piso sa mga benepisyaryo sa apat na bayan sa Eastern Samar sa pamamagitan ng programa na idinisenyo upang pagaanin ang epekto ng kakulangan sa pagkain at tubig.
Ang naturang halaga ay kumakatawan sa ibinayad sa 1,327 individuals para sa kanilang partisipasyon sa limang araw na training at labinlimang araw na pagta-trabaho sa mga bayan ng San Policarpio, Oras, Dolores, at Jipapad sa Eastern Samar.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Ito ay nasa ilalim ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 7,500 pesos sa ginanap na payout activities simula July 17 hanggang 19.
