ANIM katao ang nasawi matapos maaksidente ang sinasakyang bus sa Federal Highway sa Southeastern Brazil.
Ayon sa Federal at São Paulo State officials, 45 na iba pa ang dinala sa ospital para malapatan ng lunas.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Sa post ng São Paulo State firefighters sa X, nangyari ang aksidente sa BR-153 Federal Highway, malapit sa City of Marília.
Sa report naman ng Federal Highway Police, lulan ng bus ang mga farm worker mula sa Northeastern Maranhao State patungong Southern Catarina State para mag-harvest ng mansanas, nang bumaliktad ang sasakyan.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.
