Nanawagan ang isang security analyst sa pamahalaan na magpadala ng tropa at magtayo ng pantalan para sa mga mangingisda sa Sabina o Escoda Shoal.
Sa gitna ito ng umano’y mga hakbang ng China para magtayo ng artipisyal na isla sa naturang lugar.
Mahigit P386-M na jackpot prize sa Ultra Lotto napanalunan ng nag-iisang bettor
DMW kumpiyansang maaabot ang 100 percent budget utilization ngayong taon
Dagdag na $100 sa minimum wage ng mga Pinoy domestic helpers ipatutupad ng DMW
Mga Pinoy marino na naipa-deport pauwi ng Pinas, inilapit ni Sen. Raffy Tulfo kay US Ambassador Carlson
Ayon kay International Development and Security Cooperation President Chester Cabalza, ang Sabina Shoal ay 75 nautical miles o 120 kilometers lamang ang layo mula sa isla ng Palawan, at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Aniya, kailangang bantayan ang Sabina dahil malapit ito sa mainland, gayundin sa Ayungin Shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre, at sa Mischief Reef na unang ninakaw sa atin ng China.
Idinagdag ni Cabalza na sa bandang itaas naman ng Sabina ay matatagpuan ang ang Reed Bank na mayaman sa langis.
Sinabi pa ng security analyst na sakaling makuha ng China ang Sabina Shoal, nakapaligid na ito sa BRP Sierra Madre, at matatawag na “quiet encirclement” ang ginagawa ng Beijing.