Pilipinas pa rin ang pinakamalaking importer ng bigas sa 2025, batay sa pagtaya ng United States Department of Agriculture (USDA).
Sa gitna ito na patuloy na paglakas sa pagkonsumo sa kanin ng mga Pilipino, at pagbaba ng produksyon ng bigas sa unang tatlong buwan ng 2024.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Sa datos na inilabas ng USDA, tinaya ang rice imports ng Pilipinas na tataas pa sa susunod na taon kumpara sa inaasahang 4.1 million metric tons.
Tinukoy ng USDA ang paglago ng populasyon at umangat na turismo sa inaasahang pagtaas ng imports, kung saan ang batay sa latest data ay nasa 109.03 million ang populasyon ng mga Pilipino, as of May 2020, at mahigit 2 million na foreign tourists ang nasa bansa simula January hanggang April 2024.
