22 June 2025
Calbayog City
National

Pamahalaan, hinimok na magtayo ng pantalan at magpadala ng tropa sa Sabina Shoal

sabina shoal

Nanawagan ang isang security analyst sa pamahalaan na magpadala ng tropa at magtayo ng  pantalan para sa mga mangingisda sa Sabina o Escoda Shoal.

Sa gitna ito ng umano’y mga hakbang ng China para magtayo ng artipisyal na isla sa naturang lugar.

Ayon kay International Development and Security Cooperation President Chester Cabalza, ang Sabina Shoal ay 75 nautical miles o 120 kilometers lamang ang layo mula sa isla ng Palawan, at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Aniya, kailangang bantayan ang Sabina dahil malapit ito sa mainland, gayundin sa Ayungin Shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre, at sa Mischief Reef na unang ninakaw sa atin ng China.

Idinagdag ni Cabalza na sa bandang itaas naman ng Sabina ay matatagpuan ang ang Reed Bank na mayaman sa langis.

Sinabi pa ng security analyst na sakaling makuha ng China ang Sabina Shoal, nakapaligid na ito sa BRP Sierra Madre, at matatawag na “quiet encirclement” ang ginagawa ng Beijing.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *