NAGLABAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nasa 1,500 Special Permits para maabot ang demand sa mga bus sa holiday rush ngayong Christmas season.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, nakapag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Special Permits simula Dec. 15, 2025 hanggang Jan. 16, 2026.
Idinagdag ni Lopez na nagdagdag din sila ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa mga paliparan para may masasakyan ang mga paalis at parating na mga pasahero.
Sa pagtaya ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), mahigit tatlong milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa kanilang terminal sa Christmas rush ngayong taon




