NAWALAN ng supply ng kuryente ang mga lalawigan ng Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, at Leyte, habang bumagal ang Internet Services, matapos mapinsala ang Transmission Facilities, kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City sa Cebu, noong Martes ng gabi.
Nagbukas din ang iba’t ibang Local Governments, kabilang ang Paranas sa Samar at mga lungsod ng Baybay at Tacloban sa Leyte, ng Charging Stations para sa Mobile Phones upang makatulong sa mga residente.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sa Report ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 27 sa kanilang Power Plants ang nagtamo ng pinsala, na nagresulta ng 1,444.1 Megawatts Loss mula sa Visayas Grid.
Agad namang nagsagawa ang Local Government Units ng Rapid Damage Assessment.
Sa Ormoc City, idineklara ng mga engineer na Safe ang City Hall Building matapos ang Post-Quake Inspection.
Nagdulot din ang lindol ng Landslides sa ilang lugar sa Leyte Province, kabilang ang Barangay Abijao sa Villaba na mahalagang Access sa kalapit na bayan ng Palompon, at iba ibang bahagi ng munisipalidad ng Leyte.
