NAG-abot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 19.77 million pesos na halaga ng Assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Visayas Region.
Sa Biliran Province, nagbigay ang ahensya ng ayuda sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals and Crisis Situation (AICS) Program sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, maging sa mga nasugatan.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Nag-turnover ang DSWD ng kabuuang 100,000 pesos sa mga pamilya ng sampung nasawi para makatulong sa pagpapalibing.
Kabilang sa mga tumanggap ang mga pamilya ng apat na nalunod sa bayan ng kawayan at apat na natabunan ng Landslide sa Maripipi.
Ang dalawa pang recipients ay ang pamilya ang mga nalunod sa Caibiran at Culaba.
Batay sa impormasyon mula sa DSWD Regional Office, nag-release din ang ahensya ng 45,000 pesos na ayuda para sa pagpapa-ospital at pangangailangang medikal ng siyam na nasugatang indibidwal.
Idinagdag ng DSWD na tumanggap din ng kaparehong Financial Aid ang pamilya ng isang nasawi mula sa Calbayog City.
