PUMATAY ng hindi bababa sa dalawampu katao ang pagbaha at Landslides dulot ng malakas na pag-ulan sa Darjeeling sa Northern India.
Dahil sa lakas ng buhos ng ulan ay umapaw ang mga ilog sa bulubunduking distrito ng West Bengal, na nagresulta ng malawak na pinsala.
Nagpaabot na ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi, kasabay ng pagtiyak na mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon sa Darjeeling at mga kalapit na lugar kasunod ng malakas na pag-ulan at Landslides.
Inihayag ni West Bengal Chief Minister Mamata Banerjee, na dalawang Iron Bridges ang nag-collapse, ilang kalsada ang napinsala, at malalaking bahagi ng lupain ang lumubog sa baha.