PANGANGASIWAAN na ng Department of Agriculture (DA) ang Development at Construction ng Farm-To-Market Roads (FMRs) mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) simula sa 2026.
Sa Statement, inihayag ng DA na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mas matututukan ang Agricultural Lifelines, at matiyak na bawat kilometro ay direktang nakasuporta sa Farming Communities.
Kahapon ay nagpulong sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Public Works Secretary Vince Dizon para rebiyuhin ang Audits ng mga nakalipas na FMR Projects, at para malaman kung mayroong mga nakompromiso.
Pinag-usapan ng dalawang kalihim ang Pending Projects na itinakda ngayong 2025, na ayon kay Tiu Laurel, ay kailangang-kailangan ng mga magsasaka at mangingisda.
Sa bahagi naman ni Dizon, sinabi nito na nasa isanlibong kilometro pa ng FMRs ang kailangang itayo ngayong 2025.




