KINUMPIRMA ng Malakanyang na nag-lapse Into Law ang Konektadong Pinoy Bill, kung saan pinapayagan ang mga bagong Data Transmission Players na mag-operate nang walang prangkisa o Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN).
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na otomatikong naging batas ang Bill, halos dalawang linggo matapos mapaulat na nire-review ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas.
Una nang umani ng batikos ang Konektadong Pinoy Bill mula sa iba’t ibang grupo, gaya ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators (PCTO) na binubuo ng malalaking Telecommunications Companies sa bansa, at ng Philippine Association of Private Telecommunications Companies (PAPTELCO).
Iginiit ng PCTO na bagaman sinusuportahan nila ang layunin ng Bill na palawakin ang Internet Access sa buong bansa, maari itong magdulot ng National Security Vulnerabilities, pahinain ang Regulatory Oversight, at i-destabilize ang Telecommunications Sector.




