23 October 2025
Calbayog City
National

Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30

SUSPENDIDO ang klase sa mga Public School sa bansa mula Oct. 27 hanggang 30 para bigyang-daan ang “Wellness Break” matapos ang magkakasunod na kalamidad na tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, sa pagkakaroon ng Wellness Break mabibigyan ng tyansa ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga at maka-recover sa mga nagdaang kalamidad at sa nararanasan ding pagtaas ng kaso ng Flu-like Illnesses.

Aminado si Angara na maraming mga guro at estudyante ang naapektuhan ng mga bagyo, lindol at may mga nagkakasakit din kaya nagpasya ang ahensya na magkaroon muna ng maiksing “Break.”

Dahil deklaradong Holiday ang Oct. 31 na araw ng Biyernes, sa November 3 na magre-resume ang klase sa mga pampublikong paaralan. 

At dahil sa idineklarang “Wellness Break” sa Public Schools, kanselado na din ang pagsasagawa ng Midyear In-Service Training o INSET sa mga guro. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).