Inihahanda na ng PNP-CIDG ang isasampang kaso laban sa illegal recruiters ng mahigit tatlong daang Pinoy na dinala sa Myanmar at pinagtrabaho sa scam hubs.
Kasunod ito ng pag-uwi sa bansa ng kabuuang three hundred forty-six overseas Filipino workers na naapektuhan ng crackdown ng gobyerno ng Myanmar sa mga ilegal na scam hub.
ALSO READ:
Ayon sa CIDG, tinatapos na ng kanilang Anti- Transnational Crimes Unit ang
documentation para sa pagsasampa ng paglabag sa Republic Act 8042 laban sa mga ilegal na nagpaalis sa nasabing mga Pinoy.
Kamakailan matagumpay na napauwi sa bansa ang mga Pinoy makaraang maipit sa Myanmar dahil kabilang sila sa nahuli nang isagawa ang crackdown sa mga scam hub.




