Nagpatupad ng forced evacuation sa ilang mga residente sa Sitio Canduang, Barangay Damolog, Sogod, Cebu matapos na makaranas ng landslide sa lugar.
Ayon sa Sogod LGU, wala namang nasaktan sa insidente at hindi rin naapektuhan ang mga bahay malapit sa pinangyarihan ng pagguho ng lupa.
ALSO READ:
Lalaki, patay matapos atakihin ng buwaya sa Palawan
Mahigit 1.8 million pesos na halaga ng iligal na mantika, nakumpiska sa Oriental Mindoro
5 pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash sa Porac, Pampanga, sinibak sa pwesto
PNP chief, ipinag-utos ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster-councilor sa Surigao Del Sur
Gayunman, inilikas na ang mga residente sa dalawang bahay na malapit sa landslide para masiguro ang kanilang kaligtasan. Nakaranas ng pag-ulan sa Sogod umaga ng Biyernes, November 14.
