MALINAW na isa na namang kasinungalingan ang pinalalabas na nasa Kustodiya ng Philippine Marines ang testigong si Orly Guteza.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, mismong si Philippine Marines Commandant Maj. Gen. Vincent Blanco III ang nagkumpirmang hindi kailanman napasailalim sa Kustodiya ng marines si Guteza, taliwas sa naging pahayag ni Dating Congressman Mike Defensor.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Sa panayam sa Bilyonaryo News Channel ay sinabi ni Defensor na nasa pangangalaga ng marines si Guteza at hindi ito nagtatago.
Bago ito ay inihayag ni Lacson ang kagustuhang muling ipatawag sa pagdinig ng Senado si Guteza para magbigay-linaw sa kaniyang isinumiteng Sworn Affidavit.
Ani Lacson kung makakabalik siya bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ay ipatatawag ulit si Guteza subalit hindi alam kung nasaan ito sa ngayon.
