PITONG Luxury Vehicles ng mga Discaya ang ang isusubasta na ng Bureau of Customs sa November 15.
Ayon kay BOC Deputy Chief of Staff Att. Chris Noel Bedijo, sasalang sa Auction ang sumusunod mga sasakyan ng mag-asawang Discaya:
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
– Toyota Tundra 2022
– Toyota Sequoia 2023
– Rolls Royce Cullinan 2023
– Mercedes Benz G63 AMG 2022
– Mercedes Benz G500 2019 (brabus)
– Lincoln Navigator L 2021
– Bentley Bentayga 2022
Ayon kay Bendijo, nagsumite ang mga Discaya ng Voluntary Forfeiture sa BOC – ibig sabihin, hindi na nila hahabulin pa ang pitong sasakyan.
Ang nasabing mga sasakyan ay pawang walang Import Entry at Certificate of Payments.
