ALL set na ang House of Representatives para sa pagbubukas ng unang Regular Session ng 20th Congress at sa Joint Session ng Congress para sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.
Sa mga larawan na ibinahagi sa Facebook page ng Kamara, handa na ang Gallery na pagdarausan ng sesyon at SONA.
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Gaya ng naging kahilingan ni Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez wala nang inilatag na Red Carpet para sa idaraos na SONA.
Kabilang sa hindi masasaksihan sa SONA ngayong Lunes ang Red Carpet Fanfare at Fashion Coverage.
Ito ay bilang pakikisimpatya sa mga mamamayan na nasalanta ng magkakasunod na sama ng panahon.
