MATAGUMPAY na nakumpleto ang dalawang araw na Drug Screening para sa lahat ng city watchmen o tanod sa Calbayog, na isinagawa sa ilalim ng direktiba ni Mayor Raymund “Monmon” Uy.
Ito ay bilang bahagi ng Ongoing Commitment upang mapanatili ang Drug-Free Workplace at matiyak ang pinakamataas na standards ng Public Safety.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Mahigit dalawandaang aktibong tanod ang lumahok sa Drug Testing na isinagawa ng CDAPRO Drug Testing Laboratory, upang patunayan ang kanilang dedikasyon na mapanatili ang Professional Excellence na inaasahan sa mga nagsisilbi bilang Frontline Guardians ng mga pasilidad sa lungsod, maging ang kaligtasan ng publiko.
Sa kasalukuyan ay ipino-proseso na ang mga resulta ay magkakaroon ng kaukulang follow-up actions, batay sa outcomes, kabilang na ang patuloy na suporta para sa mga empleyado, sa pamamagitan ng Available Rehabilitation Programs, kung kinakailangan.
