IBINASURA ng International Criminal Court ang Jurisdiction Appeal ng kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinatigan nito ang naunang ruling na valid ang naging imbestigasyon nito sa War on Drugs ng dating pangulo noong bahagi pa ng Rome Statute and Pilipinas.
Una nang hiniling ng prosecutor at ng Office of Public Counsel for Victims sa ICC Appeals Chamber na ibasurang paghamon ng kampo ng dating pangulo sa hurisdiksyon ng korte.
Ayon sa piskalya, ang mga grounds na inilatag ng dating pangulo sa apela nito ay pawang “incorrect” at hindi sapat na basehan para baguhin ng ICC ang naunang pasya nito.




