NAKATAKDANG bumisita sa bansa si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba.
Ayon sa Palasyo ng Malakanyang, ang official visit sa bansa ng Prime Minister ng Japan ay sa April 29 hanggang 30.
Inaasahang sasalubungin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. At First Lady Louise Araneta-Marcos si PM Ishiba at kaniyang asawa na si MRS. Ishiba Yoshiko pagdating sa Malakanyang.
Magkakaroon din ng pulong sina Pangulong Marcos at PM Ishiba na inaasahang mas makapagpapabuti pa sa economic at development cooperation ng dalawang bansa.
Inaasahan ding pag-uusapan ng dalawang lider ang mga kaganapansa rehiyon at iba pang panig ng mundo.
Huling nagkita ang dalawang lider sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic sa Sidelines ng ASEAN Summits noong Oct. 2024.