LUMAGO ang Total Insurance Premium Income ng halos 4 percent o sa 17.52 billion pesos sa ikatlong quarter ng 2025.
Ayon sa Insurance Commission (IC), replekasyon ito ng katatagan ng industriya sa gitna ng economic challenges.
Sinabi ni IC Commissioner Reynaldo Regalado na nananatiling nakatuon ang industriya sa pagpapalakas ng operasyon at sa pagpapalawak ng market presence sa gitna ng mga nararanasang problema.
Sa report ng IC, as of third quarter, lumobo ang total assets ng industriya ng 5.3 percent, na umabot sa 173.41 billion pesos mula sa 164.6 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.




