Opisyal nang inilunsad ng Apple ang iOS 26 ngayong araw sa taunang Worldwide Developers Conference (WWDC), na ikinagulat ng marami dahil sa malaking lundag sa version number, mula sa kasalukuyang iOS 18.
Bakit iOS 26 at hindi iOS 19 o 20?
Ayon sa Apple, ang bagong version number ay bahagi ng kanilang hakbang upang pag-isahin ang numero ng mga operating system nito sa iba’t ibang device. Sabay-sabay ding inilabas ngayong araw ang macOS 26 Sequoia, watchOS 26, at tvOS 26. Layunin nitong gawing mas malinaw at pare-pareho ang numerical banner ng lahat ng Apple devices.
“Ang iOS ay hindi na lamang isang mobile operating system,” ayon kay Craig Federighi, Senior Vice President ng Software Engineering ng Apple. “Ito ay bahagi na ng isang mas malawak at pinag-isang platform.”
Mga Bagong Features ng iOS 26
Ang iOS 26 ay may mga features at upgrades na tumututok sa intelligence, personalization, at security:
- Upgraded Siri – May bagong generative AI si Siri na kayang magbigay ng mas natural na pag-uusap, may kontekstong pag-unawa, at nagagamit kahit offline.
- Live Widgets – Ang mga widget ngayon ay interactive na, may animations at real-time updates—mas dynamic na lock at home screen.
- App Lock – Pwede nang mag-lock ng partikular na apps gamit ang Face ID o Touch ID—isang matagal nang nire-request ng mga users.
- Bagong Control Center – Mas modern, customizable, at umaayon sa gamit ng user.
- AI sa Messages – May smart reply suggestions, instant translation, at AI summaries sa loob ng chat.
Available na ngayon ang developer beta ng iOS 26. Inaasahan ang public beta sa Hulyo at ang opisyal na release simula ngayong Setyembre, kasabay ng inaasahang paglulunsad ng iPhone 17.