ISINUSULONG ni Transportation Secretary Vince Dizon ang 24-Hour Barge Operation sa pagitan ng ports ng Basey, Samar at Tacloban City, upang maibsan ang mahabang pila ng mga cargo truck.
Noong Linggo ay nagpahayag ng pagkabahala ang kalihim sa malaking backlog ng mga truck sa magkabilang panig, isang araw bago buksan ang barge services, kahapon.
Para maisakatuparan ang Round-The-Clock Operations at epektibong maisagawa ang double trips, ipinag-utos ni Dizon sa Philippine Coast Guard na mag-install ng Navigational Buoys sa kahabaan ng San Juanico Strait.
Ang Amandayehan-Tacloban Route ay ang bagong shipping lane na may mas maiksing biyahe na 15 to 20 minutes, kasama na ang loading at unloading.