TUMANGGAP ang provincial government ng Samar ng dalawang units ng response vehicles para sa Samar Emergency Response Team, mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang mga sasakyan ay pinondohan sa pamamagitan ng Fiscal Year 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund, kung saan tumanggap ang lalawigan ng 4 million pesos bilang recipient ng Seal of Good Local Governance Award noong 2023.
Nagpasalamat si Board Member Fe Tan-Arcales, na kumatawan kay Governor Sharee Ann Tan, sa lahat ng mga miyembro ng Provincial Local Government Unit na nag-trabaho ng husto para makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa lahat ng mga Samarnon.
Ang Seal of Good Local Governance ay isang recognition program na nag-e-evaluate sa performance ng Local Government Units sa paghahatid ng mga serbisyo publiko.
Ang lalawigan ng Samar ay awardee noong 2016, 2019, 2023, at 2024.