SINIMULAN nang i-follow nina Beauty Queen Catriona Gray at Pasig City Mayor Vico Sotto ang isa’t isa sa Instagram na ikina-kilig ng kanilang fans.
Napansin ang Instagram follow at follow-back ng kani-kanilang followers kahapon.
Wala namang sinabi sina Catriona at Vico kung mayroon silang posibleng projects o engagement na ikinakasa, subalit hindi ito hadlang para mapansin ng mga netizen na bagay ang dalawa.
Si Catriona ay dating kasintahan si Sam Milby at ikakasal na sana sila noong 2024, subalit nito lamang Pebrero ay kinumpirma ng actor-singer na hiwalay na sila ng beauty queen.
Samantala, matagal na ring tahimik si Sotto tungkol sa kanyang personal na buhay, sa katwirang hindi niya prayoridad ang pagpasok sa isang relasyon.