20 June 2025
Calbayog City
Sports

Carlos Yulo, nakasungkit ng 2 pang bronze medals sa Asian Gymnastics Championships


DALAWA pang bronze medals ang napanalunan ni Filipino Olympic Gold Medalist Carlos Yulo sa Asian Gymnastics Championships, kahapon.

Nagtapos si Yulo sa ikatlong pwesto sa vault finals kung saan nakapagtala siya ng 14.333, sunod kina Olfati Madhi ng Iran na nakakuha ng 14.500 at Huang Mingqi ng China na naka-score ng 14.400

Sa parallel bars finals, nakakuha Pinoy olympian ng 14.166, sunod kina Oka Shinnosuke ng Japan na may 14.700 at Tsunogai Tomoharu na may 14.466.

Sumabak din si Yulo sa horizontal bar finals kung saan nagtapos siya sa ika-pitong pwesto sa score na 12.000.

Sa kabuuan ay may apat na medalya si Yulo sa Asian Championship matapos masungkit ang bronze medal sa individual all-around noong nakaraang Huwebes at ginto sa floor exercise noong Sabado.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).