Maraming users ang nakaranas ng problema sa pag-access ng ilang major websites at applications hapon ng Lunes, Oct. 20 oras sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa malawakang internet outage na naging dahilan para pansamantalang hindi magamit sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga major websites at app gaya ng Canva, Amazon, Zoom pati na ang ilang gaming sites gaya ng Roblox at Fortnite.
Ayon sa datos mula sa “Downdetector” dito sa Pilipinas, iniulat ng mga user ang problema mula alast 3:00 hanggang alas 5:00 ng hapon at ito ay dahil sa outage na naranasan sa cloud services ng Amazon.
Sa pahayag ng Amazon Web Services, inabot ng tatlong oras bago naayos ng kanilang team ang problema.
Ang AWS ay isang cloud computing platform na nagbibigay ng virtual servers, storage, databases, at networking para sa iba’t ibang websites at apps.




