16 April 2025
Calbayog City
Business

Inutang ng Pamahalaan noong Pebrero, nabawasan

NATAPYASAN ng 48.82 percent ang gross borrowings ng national government noong Pebrero.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba sa 339.55 billion pesos ang kabuuang inutang noong ikalawang buwan ng taon kumpara sa 663.42 billion pesos noong February 2024.

Mas mataas naman ito ng 59.31 percent kumpara sa 213.14 billion pesos na gross borrowings noong Enero.

Ayon sa Treasury, bumagsak ng 78.62 percent o sa 140.8 billion pesos ang domestic debt noong Pebrero mula sa 658.68 billion pesos na inutang sa loob ng bansa sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Lumobo naman sa 198.75 billion pesos ang gross external borrowings noong Pebrero mula sa 4.74 billion pesos noong ikalawang buwan ng 2024.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).