ISINAGAWA ng North Korea ang Pyongyang International Marathon sa unang pagkakataon makalipas ang anim na taon.
Nasa dalawandaang dayuhang mananakbo ang dumagsa sa mga kalsada ng kabisera ng naturang bansa.
ALSO READ:
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Ang marathon na inilunsad noong 1981, ay isinasagawa taon-taon tuwing Abril upang ipagdiwang ang kapanganakan ng kanilang founding leader na si Kim Il Sung.
Bago ang marathon noong linggo, huling nagkaroon ng race noong 2019, kung saan 950 foreigners ang lumahok.
Sinelyuhan ng North Korea ang kanilang bansa noong 2020 nang tumama ang COVID-19 pandemic.
