BUMAGSAK ng halos 20 percent ang infrastructure spending noong Disyembre, subalit nalagpasan pa rin nito ang full-year program, ayon sa Department of Budget and Management.
Batay sa pinakahuling datos mula sa DBM, ang spending sa infrastructure at iba pang capital outlays ay nabawasan ng 19.8 percent o 36.3 billion pesos.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Mula sa 183 billion pesos noong December 2023, bumaba ang infrastructure spending sa 146.7 billion pesos sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Iniugnay ito ng DBM sa pinaghalong impact ng base effects ng high capital disbursements noong 2023, pati na sa ongoing processing at paglalabas ng cash allocations para sa payments ng mga proyekto sa huling bahagi ng 2024.
