NAGPAKITA sa unang pagkakataon si Pope Francis sa publiko matapos ma-discharge mula sa ospital dalawang linggo na ang nakalilipas matapos sumailalim sa gamutan dahil sa double penumonia.
Pumasok ang Santo Papa sa St. Peter’s Square sa Vatican sakay ng wheelchair, araw ng Linggo, para batiin ang mga deboto.
Simula noong March 23 ay hindi nasilayan ng publiko ang walumpu’t walong taong gulang na Holy Father, nang ilabas ito sa Gemelli Hospital sa Rome matapos ma-confine ng limang linggo.
Mula sa harapan ng main alter para sa service, kumaway si Pope Francis sa mga tao bago bumati ng “happy sunday to everyone” at nagpasalamat.
Mahina ang boses ng Santo Papa at may nakakabit na manipis na hose sa kanyang ilong para sa oxygen.