27 April 2025
Calbayog City
Province

2 taong gulang na bata, patay sa bugbog at saksak sa Pampanga

KALUNOS-lunos ang sinapit ng dalawang taong gulang na paslit, matapos mamatay sa bugbog at saksak, nang madamay sa away ng kanyang ina at kinakasama nito sa Lubao, Pampanga.

Ayon sa Pampanga Police Provincial Office, nag-away ang ina ng biktima at live-in partner nito dahil sa selos.

Sinaktan at sinakal umano ng suspek ang ginang na mabilis nakalabas ng bahay subalit naiwan ang kanyang anak, at ito ang napagbalingan ng lalaki.

Pagbalik ng ina sa bahay ay nadatnan nitong walang malay ang anak, subalit pagkabuhat niya sa bata ay inundayan sila ng saksak ng suspek.

Dead on arrival sa ospital ang bata na nagtamo ng tama ng saksak sa tiyan habang agad na-discharge ang ina na nasugatan sa braso.

Nadakip naman ang suspek na aminadong nakainom sila ng kinakasama bago nangyari ang krimen.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).