Matapos na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ilang senador ang nagsabi na pwede pa ring itulong ng senado ang impeachment hearing.
Ayon kay Senator Vicente “Tito” Sotto III, isang legal luminary ang nagsabi na maaaring balewalain ng senado ang pasya ng korte suprema dahil co-equal branch sila ng hudikatura – bagay na nais umano niyang mapag-aralan munang mabuti bago magbigay ng karagdagang komento.
Naniniwala naman si Senator Bam Aquino na dapat ituloy ng senado ang impeachment trial dahil bahagi ito ng constitutional mandate at kapangyarihan ng Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, sa inilabas na desisyon ng Supreme Court ay mistulang nakalimutan nitong co-equal branch sila ng Senado.
Dismayado naman si Senator Risa Hontiveros sa pasya ng Korte Suprema at sinabing hindi sana ito magkaroon ng epekto sa mga susunod na layuning papanagutin ang mga nagkasalang opisyal ng pamahalaan.