MAY nakahanda na mahigit isang milyong kahon ng family food packs sa para sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Bagyong Verbena.
Ang mga food packs ay naka-preposition sa iba’t bang bahagi ng bansa.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Field Offices ng DSWD sa mga LGU ng Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Caraga para sa pagsu-suplay ng food packs.
Maliban dito ay patuloy din ang repacking operations ng Luzon Disaster Resource Center at sa Visayas Disaster Resource Center para ma-replenish ang mga naipamahagi ang food packs noong nagdaang mga bagyo.




