MAGSISILBING kinatawan ng asya ang Team Dirt mula sa Tacloban City sa 2026 Adventure Racing World Championship sa Corsica, France, na itinakda sa Oktubre sa susunod na taon.
Ito’y matapos mamayagpag ang Team Dirt sa La Routa Adventure Race 2025 sa Biliran, kung saan napasakamay nila ang titulo sa Adventure Racing World Series – Asia Region Champions, makaraang makumpleto ang 300-kilometer course sa buong lalawigan.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Ang four-member team ay binubuo ng team captain na si Ericka Viojan na nag-iisang babae sa grupo; Navigator Nick Aquilos; Gil Peñero Jr.; at Hienreck Velasco.
Dinaig ng local athletes ang iba pang racers mula sa Pilipinas, pati na ang malalakas na international contingents mula sa Japan at Malaysia.
Gaganapin ang 2026 Adventure Racing World Championship sa Mediterranean Island ng Corsica sa France na kilala bilang “Isle of Beauty.”
