IPINAG-utos ng Office of the City Mayor sa Calbayog ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ngayong Martes, Nov. 25.
Ang suspensyon ay alinsunod sa Executive Order No. 20, bunsod ng masamang panahon na maaring magdulot ng pagbaha.
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Una nang inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na suspindihin ang klase bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Verbena.
Una nang sinuspinde ng Local Government kahapon ng 1 P.M. ang pasok sa mga eskwelahan sa lungsod, at ipinagpatuloy ito ngayong alas otso ng umaga hanggang mamayang ala singko ng hapon, maliban na lamang kung maaga itong babawiin.
