NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang paglikha ng Bataan High School for Sports sa Bagac, Bataan.
Nakasaad sa Republic Act No. 12239 o Bataan School for Sports Act, na pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) ang paaralan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng National Academy of Sports (NAS).
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Ang Bataan High School for Sports ay inatasang magpatupad ng General Secondary Education, alinsunod sa Republic Act No. 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013, sa mga mag-aaral na mayroong potensyal sa Sports.
Sa ilalim ng bagong batas, kukunin ang pondo para sa inisyal na operasyon ng paaralan mula sa Budget ng kasalukuyang taon ng Schools Division Office of Bataan, at sa mga susunod na taon ay makatatanggap na ito ng alokasyon mula sa Annual Budget.
