IKINU-konsidera ng Pamahalaan ang pagbibigay ng amnestiya sa colorum na drivers at operators na mag-a-apply para sa prangkisa simula sa Jan. 2026.
Ito, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Vigor Mendoza II, ay alinsunod sa atas ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Sinabi ni Mendoza na bibigyan ang mga driver at operators ng oportunidad na mailagay sa ayos ang kanilang hanapbuhay.
Ginawa ng LTFRB chief ang pahayag sa press briefing sa Department of Justice (DOJ) para sa paglulunsad ng Anti-Colorum Prosecution Task Force, na ang layunin ay i-prosecute ang mga indibidwal na nasa likod ng Colorum Schemes.
Idinagdag ni Mendoza na kailangan munang magsagawa ang mga awtoridad ng headcount ng colorum drivers at operators.
