KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration na galing nga sa Pilipinas ang mag-amang gunmen sa mass shooting sa Sydney, Australia.
Ayon sa pahayag ng BI, ang mag-amang suspek sa mass shooting na sina Sajid Akram at Naveed Akram ay magkasamang dumating sa Pilipinas noong Nov. 1, 2025, galing Sydney.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Davao ang huling destinasyon ng dalawa bago sila umalis noong November 28, sa pamamagitan ng connecting flight mula Davao to Manila at pabalik ng Sydney.
Sa imbestiasyon ng New South Wales Police ng Australia sinabi nitong bahagi ng kanilang imbesitgasyon ang purpose ng pagbiyahe sa Pilipinas ng mag-ama bago ang ginawa nilang krimen.
