14 November 2025
Calbayog City
Local

Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino

NAGDEKLARA ang Municipal Government ng Guiuan sa Eastern Samar ng State of Calamity, kasunod ng malawak na pinsalang idinulot ng Typhoon Tino.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Guiuan sa kanilang Special Session, kahapon, ang deklarasyon, kasunod ng ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, ang “Extensive Destruction” at “Massive Evacuations” bunsod ng pananalasa ng bagyo.

Naapektuhan ng Bagyong Tino ang kaligtasan at kabuhayan ng mga residente, kabilang na ang Island Villages ng Suluan, Homonhon, at Manicani.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).