ISANG S-70I Black Hawk helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ang nagsagawa ng “Precautionary Landing” sa St. Bernard, sa Southern Leyte matapos makaranas ng Technical Issue.
Sa Statement, kinumpirma ng PAF ang insidente, sa pagsasabing nag-emergency landing ang Black Hawk kasunod ng Fluctuating Temperature Readings sa isa sa mga makina nito habang nagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis Operations.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Tiniyak naman ng PAF na lahat ng crew at pasahero ay ligtas at agad tinulungan ng mga lokal na awtoridad.
Ipinaliwanag din ng Air Force na ang S-70I Black Hawk, bilang Twin-Engine helicopter, ay dinesenyo para ligtas na makalapag nang isa lamang ang gumaganang makina, at sinunod naman ng crew ang Standard Procedures upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng sakay nito.
Mayroon na rin umanong idineploy na PAF Maintenance and Investigation Team para i-assess ang kondisyon ng Aircraft at nagbigay ng Immediate Requirements para sa Recovery nito.
