NAGDEKLARA ang Municipal Government ng Guiuan sa Eastern Samar ng State of Calamity, kasunod ng malawak na pinsalang idinulot ng Typhoon Tino.
Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Guiuan sa kanilang Special Session, kahapon, ang deklarasyon, kasunod ng ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, ang “Extensive Destruction” at “Massive Evacuations” bunsod ng pananalasa ng bagyo.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Naapektuhan ng Bagyong Tino ang kaligtasan at kabuhayan ng mga residente, kabilang na ang Island Villages ng Suluan, Homonhon, at Manicani.
Karamihan naman sa mga evacuee ay umuwi na sa kanilang mga tahanan, maliban sa ilang pamilya mula sa Victoria Island na nananatili sa “Sirungan han Guiuan” Evacuation Site.
Sa pamamagitan ng deklarasyon ng State of Calamity, magagamit ng Municipal Government ang kanilang Quick Response Fund para sa Disaster Response at Recovery Operations.
