ITINANGHAL ng People’s Magazine bilang Sexiest Man Alive for 2025 si Jonathan Bailey na bumihag sa puso ng viewers dahil sa kanyang Lead Roles sa “Bridgerton” at “Wicked.”
Gumawa ng kasaysayan si Bailey bilang First Gay Man na pinili ng Magazine, sa isang Episode ng Talk Show na “The Tonight Show with Jimmy Fallon.”
Nag-out ang English actor bilang Gay sa kanyang malalapit na kaibigan at pamilya noong siya ay nasa Early 20s, bagaman isinapubliko niya ang kanyang Sexuality noong 2018.
Anim na taon ang matapos mag-out sa publiko, inilunsad ni Bailey ang LGBTQIA+ Centered Charity na The Shameless Fund. Ilan sa Sexiest Man Awardees na kinilala ng People Magazine sa mga nagdaang taon ay sina Patrick Dempsey, Chris Evans, Paul Rudd, Michael B. Jordan, John Legend, Idris Elba, Blake Shelton, at Dwayne Johnson.




