1 November 2025
Calbayog City
National

Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Habagat at Bagyong Crising, mahigit 52 million pesos na; 200 magsasaka, apektado

HALOS 30,000 indibidwal ang nananatili sa mga Evacuation Center dahil sa naging epekto ng Bagyong Crising at Habagat.

Ayon sa Health Emergency Alert Reporting System ng Department of Health, ang mga evacuees ay pawang mga residente mula Regions 1, 2, 3, MIMAROPA, V, VI, VII, IX at CAR.

Dahil dito mahigpit ang paalala ng DOH sa mga evacuees na maging maingat at panatilihingi malusog ang kanilang pangangatawan.

Ayon sa kagawaran, madaling kumalat ang mga sakit sa loob ng Evacuation Center dahil maraming tao ang nasa iisang lugar.

Para maiwasan ang pagkakasakit ipinaalala ng DOH na sundin ang sumusunod na hakbang:

– maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig

– gumamit ng alcohol kung walang sabon at tubig

– maghugas ng kamay bago kumain

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).