APAT ang napaulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Crising at pinaigting na Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling situational report kahapon ng 3 P.M., kinumpirma ng NDRRMC na isa ang kumpirmadong nasawi sa Caraga Region, habang tatlong iba pa, na kinabibilangan ng dalawa mula sa Northern Mindanao at isa mula sa Davao Region, ang biniberipika pa.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Samantala, bina-validate din ng ahensya ang reports na tatlo rin ang nasugatan habang apat ang napaulat na nawawala.
Nasa 132,835 naman ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon, o tinatayang 420,355 individuals, sa buong bansa.
Pinaka-naapektuhan ang MIMAROPA na may 1,896 affected families, sumunod ang region 9 na may 1,519 families, na nasa labas ng Evacuation Centers.
