Ang Habagat o Southwest Monsoon iiral na sama ng panahon at makakaapekto sa maraming lugar sa bansa sa Lunes, July 28 na araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa special weather outlook na inilabas ng PAGASA para sa SONA, ang Habagat ay maghahatid ng maulap na papawirin na may isolatedna pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Western Visayas, Negros Island Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ang nalalabi namang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan o thunderstorms sa nasabing araw.
Ayon sa PAGASA, kung mayroong magiging pagbabago sa pagtaya ng panahon ay muli silang maglalabas ng weather outlook.