APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng 1.665 billion pesos para sa Additional Fund Requirements ng Rice Seed Program.
Sinabi ng DBM na saklaw ng naturang halaga ang pagbili, Delivery, at Distribution ng Inbred-Certified Seeds para sa 2026 Dry Season.
Gayundin ang Procurement ng mga kinakailangang sasakyan at Farm Machinery upang matiyak ang napapanahon at epektibong paghahatid ng Production Support Services.
Ayon sa Budget Department, ang Inbred-Certified Seeds ay ipamamahagi sa labindalawang rehiyon, kabilang ang Central Luzon, na Largest Rice-Producing Region sa bansa.




