11 October 2025
Calbayog City
National

Goitia: Ang Katapatan ng PNP ay Para sa Bayan at sa Mamamayan

MARIING ipinahayag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kanyang buong suporta kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at sa buong Philippine National Police (PNP). Pinuri niya ang matatag na paninindigan ng organisasyon sa gitna ng mga espekulasyong layong paghiwa-hiwalayin ang hanay at kwestyunin ang kanilang katapatan.

Ayon kay Goitia, ipinakita ni Acting Chief Nartatez sa kanyang pagtanggi sa tinatawag na “loyalty check” na nananatiling buo, disiplinado, at tapat sa Republika ang PNP. “Ang tunay na katapatan ay hindi sinasabi sa salita kundi ipinapakita sa gawa,” ani Goitia. “Ipinakita ni General Nartatez at ng buong PNP na ang kanilang paninilbihan ay hindi para sa politika o personalidad, kundi para sa sambayanang Pilipino at sa Saligang Batas.”

Pinuri rin ni Goitia ang PNP sa pananatiling propesyonal at hindi nagpapatinag sa ingay ng politika, at sa patuloy na pagsuporta kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “Habang ang iba ay nagpapakalat ng intriga, ang kapulisan ay tahimik na nagsisilbi. Iyan ang tunay na propesyonalismo,” dagdag pa niya.

Tunay na Sandigan ng Bayan

Pinuri ni Goitia ang mahinahon ngunit matatag na pamumuno ni Acting PNP Chief Nartatez, na aniya’y nagpapanatili ng mataas na morale sa hanay ng kapulisan. “Hindi nasayang ang oras ni General Nartatez sa mga walang saysay na isyu. Sa halip, pinagtibay niya ang disiplina at ipinaalala sa lahat na ang tungkulin ng pulis ay magprotekta, hindi makialam sa politika,” sabi ni Goitia.

Dagdag pa niya, makatuwiran ang tiwalang ibinibigay ni Pangulong Marcos sa kasalukuyang liderato ng PNP. “Alam ng Pangulo na maaasahan niya ang PNP sa pagtataguyod ng kaayusan at integridad. Ang tiwalang ito sa pagitan ng Commander in Chief at ng kapulisan ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at maisulong ang reporma,” ani Goitia.

Katapatan sa Bayan, Laban sa Korapsyon

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.