LABIS-labis ang pasasalamat sa Diyos ng komedyanteng si Ate Gay o Gil Aducal Morales na totoong buhay, makaraang umimpis o halos wala na ang bukol sa kanyang leeg.
Sa Health Update sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Ate Gay ang video kung saan ipinakita niya ang bahagi ng kanyang leeg na tinubuan ng bukol, na ngayon ay kaunting kaunti na lang.
ALSO READ:
Iñigo Pascual, bibida sa Philippine adaptation ng “The Good Doctor”
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sa hiwalay na post, kahapon, ipinakita ng komedyante nang mas malapit ang kanyang leeg, at halatang-halata aniya ang progreso, kahit apat na araw palang ang kanyang Radiation Therapy.
Sinabi ni Ate Gay na nakagagaling talaga ang panalangin, kasabay ng kanyang pagpapahayag ng pagmamahal sa Panginoon.
